Inihayag ni Presidential Adviser on Peace Process (PAPP) Jesus Dureza na magkakatuwang nilang tatalakayin ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang mga proyektong pangkaunlaran habang nagpapatuloy ang mga usapang pangkapayapaan.

Sinabi ni Dureza sa mamamahayag na pumayag si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma” Sison na makakatuwang ang pamahalaan at NDFP sa pagpapatupad ng mga poyektong pangkaunlaran.

“Sa akong negotiation last with Joma, sugot na sila na (sa huling negosasyon ko kay Joma, pumayag na sila) there will be development (projects), in fact they want it already while still negotiating,” aniya.

Magpupulong ang GRP at NDFP peace negotiating panel sa Abril 1 hanggang 7 para sa ikaapat na serye ng peace talks sa The Netherlands.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idinagdag niya na nais nila na ngayon pa lamang ay mapagtanto na ng mga komunidad na apektado ng armadong rebelyon ang mga benepisyo ng kapayapaan.

Binabalak nilang buksan ang mas malaking Peace and Development Trust Fund na isasama kapwa ang Bangsamoro at ang mga komunista. Papalitan nito ang 12-anyos na Mindanao Trust Fund (MTF) na magtatapos na sa Hulyo.

Sinabi niya na hiniling nila sa United Nations Development Programme (UNDP) na maging fund manager.

“We are opening a bigger facility, not anymore the Mindanao Trust Fund for the ARMM. This time, it will be whole country to cater communists Visayas, and Luzon,” aniya. - Antonio L. Colina IV