Patay ang dalawang lalaki at apat na iba pa ang nasugatan makaraang magwala ang isang pulis at walang habas na nagpaputok ng baril sa loob ng isang restobar sa Sta. Maria, Ilocos Sur, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Maria Municipal Police, patay na nang isugod sa Ilocos District Hospital sina Marcial Antolin at Mak Hanzel Ordoñez, 25, may asawa, magsasaka, ng Barangay San Pablo, San Esteban, Ilocos Sur.

Sugatan namang isinugod sa Ilocos Provincial Hospital-Gabriela Silang sina Richard Jacosalem, 24; Felipe Pineda, 37; at Raymond Cabanting, habang sa Metro Vigan Cooperative Hospital ginagamot si Isagani Calibuso.

Ang suspek ay si PO1 Randy Castro Garnace, 26, binata, nakatalaga sa Drug Enforcement Group ng Navotas City Police, at taga-Bgy. San Pablo, San Esteban, Ilocos Sur.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Batay sa panimulang pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na palabas na sa naturang restobar ang grupo ng mga biktima nang biglang silang pagbabarilin ni Garnace.

Nakatakbo pabalik sa loob ng restobar sina Antolin at Ordoñez at sinundan sila roon ng suspek para bistayin.

Nakita ni Cabanting ang pamamaril kaya siya naman ang napagbalingan ng pulis at pinagbabaril din.

Kusa namang sumuko si PO1 Garnace sa awtoridad. (Fer Taboy)