GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang 10 katao at nasa P1.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa anti-drug operation sa North Cotabato nitong Biyernes.

Sinalakay ng magkakasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), pulisya at militar ang Barangay Dalingawen sa Pikit, North Cotabato upang ipatupad ang search warrant sa hinihinalang drug den sa lugar, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang big-time drug trafficker at walong kasabwat ng mga ito.

Kinilala ni Kath Abad, tagapagsalita ng PDEA-Region 12, ang dalawang umano’y drug trafficker na sina Mangigen Pandian at Kabagen Guimadel, na nakuhanan din ng limang malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, isang baril at apat na nakaw na motorsiklo. (Joseph Jubelag)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito