Sa kabila ng pag-bypass sa kanya ng Commission on Appointment (CA) kamakailan, hindi natinag ang paninindigan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez laban sa mapaminsalang pagmimina sa bansa.

“Of course, a confirmation would have been better (so) I can really get things running, but [the] bypass also gives us more time,” pahayag ni Lopez sa isang panayam sa telebisyon.

Idiniin niyang hindi siya interesadong makipagkompromiso sa mga kumpanya ng pagmimina na sumisira sa kapaligiran.

“I am not keen on finding a ‘middle ground’ with mining companies if it involves damaging watersheds and agriculture. Our country is not fit for mining because we are an island ecosystem... When you mine here, you kill economic potential literally forever, you can’t get it back again,” giit niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ikinalugod din ng kalihim ang suporta ng 40 milyong Pinoy sa social media sa paglaban niya sa iresponsableng pagmimina sa bansa.

“It’s like we hit a groundwell of public opinion on people who really care about the environment... We will continue as long as there is massive support. The DENR has high hopes,” aniya.

Binanggit ni Lopez na may mga nakalatag na siyang mga plano upang maisulong ang “green economy”, kabilang dito ang mga alternatibong programang pangkabuhayan sa mga manggagawa ng minahan na nawalan ng trabaho, rehabilitasyon sa mga nasirang kapaligiran, at pagpapalawak sa biochar technology. (Rommel P. Tabbad)