CEBU CITY – Inilatag ng Philippine Sports Commission (PSC) ang programa ng ahensiya sa grassroots sports development sa mga mayor, governors at kinatawan ng Local Government Units (LGU) sa isinagawang ‘Sports Caravan’ sa Visayas region.

Binigyan halaga ng PSC, sa pangunguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagbuo ng Physical Fitness and Sports Development Council na batay sa programa ng Philippine Sports Institute (PSI).

Sa kanyang mensahe, binigyan halaga ni Ramirez ang kahalagahan ng papel ng mga lokal executives sa pagpapatibay ng pundasyon sa sports na isang mahalagang aspeto sa inaasam na kaunlaran at progresibo ng bansa.

“In the world’s history we have seen how sports has been used a stage for peace. Sports has the power to change a community and uplift a people in despair,” pahayag ni Ramirez.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nagbigay din ng kanilang pananaw sa inaasam na pagbabago sa katayuan ng bansa sa international competition sina PSC commisisioner Charles Maxey at Ramon ‘El Presidente’ Fernandez.

May kabuuang 100 opisyal ng LGU ang dumalo sa pagpupulong na bahagi ng pagpapatibay sa pundasyon ng PSI sa mga lalawigan na punong-puno ng talento, ngunit nagkukulang sa suporta para sa maagap na pagsasaayos at pag-unlad ng mga batang atleta.

Iginiit ni Fernandez, na mismong ang Pangulong Duterte ang nag-utos sa kanila ang palawakin ang maabot ng biyaya ng sports at palakasin ang sports program sa mga lalawigan.

Mula sa Cebu, tatahakin ng caravan ang Davao at Iloilo, gayundin ang Naga, Batangas, at Baguio para sa Luzon leg bago ang ‘consultative meeting’ sa LGU sa Manila.