MAY mapuputol na winning streak sa pagtutuos ngayon ng pacesetting Ateneo at season host University of Santo Tomas sa pagpapatuloy ng aksiyon sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Itataya ng namumunong Lady Eagles (7-1) ang six-game winning streak kontra Tigresses (5-3) na galing naman sa apat na dikit na panalo sa kanilang pagtutuos sa tampok na laban ngayong 4:00 ng hapon.

Tatangkain ng Lady Eagles na maulit ang naitalang sweep sa first round habang magsisikap makabawi ang Tigresses para sa target na ikalimang panalo.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Para kay Tigresses coach Kungfu Reyes, hangad niyang makita ang consistency sa laro ng kanyang mga players lalo na sa depensa gayundin ang pagiging palaban.

Sa unang laban, tatangkain naman ng University of the Philippines (4-4) na makabangon mula sa kinasadlakang apat na sunod na kabiguan sa pagtutuos nila ng University of the East (1-7) ganap na 2:00 ng hapon.

Mauuna rito, patatagin ng National University (7-1)ang kapit sa ikalawang posisyon ng men’s team standings sa paghaharap nila ng Adamson (2-6) ganap na 10:00 ng umaga pagkatapos ng pagtutuos ng Red Warriors (1-7) at ng Tigers (3-5) na hangad namang makatabla sa ika-4 na puwesto sa UP. (Marivic Awitan)