Tumanggi si Senator Leila de Lima na magpasok ng plea nang isailalim siya sa arraignment proceedings sa kinakaharap na kasong disobedience to summons dahil sa alegasyong pinayuhan niya ang dating driver na si Ronnie Dayan na huwag siputin ang imbestigasyon ng Kamara sa umano’y pagkakasangkot ng senador sa illegal drug trade sa National Bilibid Prison (NBP).

Dahil dito, si Judge Ma. Ludmila de Pio Lim, ng Quezon City Metroplitan Trial Court (MTC) Branch 34, ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa senadora.

Ginawa ang pagbasa ng sakdal pasado 2:00 ng hapon.

Sinalubong si De Lima ng kanyang mga tagasuporta na may bitbit na mga placard na nasusulatan ngb “Free Leila” nang dumating siya sa Quezon City Hall of Justice.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagkabit din ang mga tagasuporta ng senadora ng asul na ribbon sa mga puno at poste ng ilaw sa lugar bilang pakikiisa sa ipinaglalaban ni De Lima. (Rommel P. Tabbad)