MOSCOW (AP) — Ikinadismaya ng World Anti-Doping Agency nitong Sabado (Linggo sa Manila) ang desisyon ng Russian Anti-Doping Agency na muling iluklok si pole vault great Yelena Isinbayeva na isang matinding kritiko ng WADA.
Natapos ang appointment ni Isinbayeva nitong Disyembre, ngunit muli siyang inuluklok sa posisyon nitong Huwebes. Ang kanyang tungkulin ay ang umapela sa WADA para bawiin ang suspensiyon na ipinataw sa RUSADA nitong 2015.
"Whilst it is the decision of the Russian authorities to elect its board members, the agency shall be passing this information on to its independent compliance review committee for their review," pahayag ng WADA.
Hindi nakalaro si Isinbayeva sa nakalipas na Rio de Janeiro Olympics dahil sa ban na ipinataw sa Russian athletics team bunsod nang malawakang iskandalo sa droga.