RIO DE JANEIRO (AFP) — Sinisisi ng Pangulo ng Brazil na si Michel Temer ang mga multo sa kanilang pag-alis sa kanilang tirahan sa Brasilia, iniulat ng Brazilian news weekly nitong Sabado.

Ginulat ni Temer ang Brazilian politics watchers nitong linggo sa rebelasyong nilisan nila ang Alvorada Palace at lumipat sa mas maliit na vice presidential residence.

“I felt something strange there. I wasn’t able to sleep right from the first night. The energy wasn’t good,” pahayag ni Temer.

“Marcela felt the same thing. Only (ang anak nilang lalaki) Michelzinho, who went running from one end to the other, liked it.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“We even started to wonder: could there be ghosts?” dagdag niya.

Base sa report ng Globo newspaper, umabot sa puntong nag-imbita ng pari ang kanyang misis na si Marcela Temer upang mapalayas ang mga umano’y masamang espiritu.

Lumipat ang pamilya Temers sa maganda ngunit mas malaiit na Jaburu Palace.