NANAIG ang Arellano University laban sa liyamado at perennial champion Perpetual Help para tanghaling kampeon sa NCAA Season 92 NCAA Cheerleading championship nitong Huwebes sa pagtatapos ng liga sa MOA Arena sa Pasay City.

Napasigaw at napa-wow ang mga manonood at hurado sa kakaiba at makapigil-hiningang istilo at routine ng Chiefsquad para makopo ang kabuuang 218 puntos at muling angkinin ang korona na huli nilang nakamit may dalawang taon na ang nakalipas.

Impresibo rin ang performance ng Las Pinas-based school, ngunit nakakuha lamang sila ng 199.5 puntos at mabigo sa kampanyang ika-10 korona sa nakalipas na 12 season.

“We did something that we’ve never done before and we executed it well, execution was really key,” pahayag ni Arellano U coach Lucky San Juan.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Sa sandaling maipahayag na ang Perps Squad ang runner-up, kaagad na nagyakapan at napaluha sa labis na kasiyahan ang Chiefsquad.

“I told them to show no hesitation and just think of executing our routines and we did just that,” ayon kay San Juan.

Sa nakalipas na season, gahibla lamang ang bentahe ng Perpetual Help sa Arellano, 195-193. (Marivic Awitan)