KRIS copy

NILINAW ni Kris Aquino sa bagong panayam sa kanya kung bakit pareho silang nasa Italy ni Quezon City Mayor Herbert Bautista nitong nakaraang Enero. Sinadya nga ba o nagkataon lang ang pagkikita nila roon?

Depensa ni Kris, “wholesome” ang pagtatagpo nila ni Mayor Herbert sa Italy.

Pero dahil dedma si Kris simula nang pag-usapan ang isyu na pareho silang naroroon sa Italy ni Bistek (palayaw ni Mayor Herbert), may mga insinuation na naka-book daw sila sa iisang hotel.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Paliwanag ni Kris, nagtungo siya sa Italy for a pilgrimage at nagkataong naroon din si Mayor Herbert para sa dinaluhang peace talks with the communist leaders. Aniya pa, they “met over coffee and that was it, walang Roman Holiday na naganap.”

Ang naturang term ay mula sa Hollywood film titled Roman Holiday, isang romantic love story-drama noong 1953 starring Gregory Peck at Audrey Hepburn.

“I did see him when we were in Italy,” patuloy ni Kris, “pero very wholesome and prayerful, kasi sa Assisi kami nagkita. So, ‘yung lumabas doon na item, no, we did not stay in the same hotel.

“Walang Roman Holiday na naganap kasi super dasal naman ang ginawa namin. And hindi kami naka-dinner, nakapagmerienda lang kami.

“Yun lang naman, that’s it, but ‘yung rest of it, we remain friends.”

Kung bakit nga ba nagkataon na pareho silang naroroon, of all places at the same date and time, ang sabi ni Kris, dream destination niya ang Italy.

“It was my dream,” aniya. “Kasi no’ng nasa Boston (USA), ‘yung school na pinag-aralan ko, Mount Alvernia Academy, Franciscan nuns, mga sisters. So we went where St. Francis was buried, we went to St. Clare, and we went to seven other churches,” detalyadong sabi ng Queen of All Media.

Nagkataon din daw na naudlot ang peace talks ng Philippine government at ng Communist Party of the Philippines kaya nagpangita sila.

Noon pang 2014 nag-umpisang maugnay sa isa’t isa sina Kris at Herbert. Nanggaling mismo kay Kris na they had a short-lived love affair, and had an on-and-off relationship.

Dahil siguro sa pressure sa kani-kanyang kampo, kaya nagdesisyon silang tapusin ang kanilang relasyon. Pero kahit naghiwalay na ang mga landas, ayon kay Kris, nananatili silang magkaibigan ni Bistek.

Katunayan (ng pagiging best friends forever nila), nang mabalitaan ni Herbert na nagkaroon ng minor accident si Kris habang nagti-taping ng kanyang travel show sa Cabanatuan City, agad umandar ang pagiging thougthful ni Mayor HB.

“He was very kind. Nu’ng Monday, dahil nalaman niya na naaksidente ako, nagpadala siya ng lechon. How very pulitiko!”

natatawang kuwento ni Kris.

Kabisado ni Mayor Herbert na ang isa sa mga “weakness” at nagpapasaya kay Kris ay lechon, ang pinakasikat na Filipino delicacy sa lahat ng okasyon.

“Kung malungkot ako o not feeling well, nagle-lechon ako, naha-happy ako,” masayang pagtatapos ng Queen of All Media.

(ADOR SALUTA)