SA unang pagkakataon matapos magwagi ng dalawang sunod na titulo sa men’s division, ngayon lamang nagawa ng Ateneo de Manila volleyball team na mawalis ang first round ng torneo makaraan ang ipinosteng 25-21, 25-21, 25-18 panalo kontra De La Salle kahapon sa pagtatapos ng unang round ng UAAP Season 79 volleyball tournament sa MOA Arena.

Pinangunahan ng mga beteranong sina Rex Intal at reigning MVP Marck Espejo ang nasabing ikapitong sunod na panalo ng Blue Eagles.

Mula sa dikdikang unang dalawang set, naging matikas ang Ateneo sa pagtatapos ng third set kung saan tinapos nila sa pamamagitan ng 5-1 blast para ganap na mapayukod ang Green Spikers.

“Yes, this (first round sweep) is the first time in our history, but we should not be overwhelmed because the job is not yet done,” pahayag ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa nakalipas na dalawang taon na naghari sila sa torneo, bigo ang Blue Eagles na mawalis ang first round.

Ngunit, ayon kay Almadro, hindi sila dapat makuntento sa naitalang record at manatiling focus sa kanilang misyon –ang ikatlong sunod na titulo.

“We really want to push it more in the second round,” ayon kay Almadro.

Namuno sina Espejo at Intal sa panalo sa itinala nilang 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagtapos namang topscorer para sa La Salle na may barahang 2-5, si Arjay Onia na may 11 puntos. - Marivic Awitan