YEN AT PIOLO copy

SA rami ng pelikulang ginawa ni Piolo Pascual ay itong Northern Lights: A Journey To Love ang nagmarka sa personal na buhay niya dahil habang kinukunan ay iniisip niya ang kanyang anak na si Iñigo na hindi niya nakasama noong formative years nito.

Dinala si Iñigo ng ina sa Amerika habang nagsisikap si Piolo na makagawa ng pangalan sa Philippine entertainment industry.

Pero klinaro ni Piolo na hindi ibinatay sa istorya ng buhay niya ang Northern Lights.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“This is not loosely based on my life. Malapit talaga, malapit talaga but hindi naman siya kinopya sa ganoong situation because hindi lang naman ako ang nagkaroon ng ganoong sitwasyon sa buhay. Maraming mom or dad na napalayo sa anak nila just because they had to work elsewhere.

“My son, my real life son, nothing was forced upon and you know, when I found that he was my son, right away, I said, you know, this is my son, he’s my flesh and blood.

“For the story po, hindi talaga siya based du’n sa nangyari sa akin. Kumbaga, in a sense, ganoon ang mga nangyari sa mga nagkakahiwalay na magulang at bata pero iba po ‘yung circumstance nila,” paliwanag ng aktor.

At ngayong nasa wastong gulang na si Iñigo ay pinili naman nitong makasama ang ama sa Pilipinas, kaya nandito na ang binatilyo na lalong nagpapasaya kay Piolo.

Samantala, personal choice pala ni Direk Dondon Santos si Yen Santos para gumanap na leading lady ni Piolo. Pero gayundin naman pala ang aktor, gusto rin niyang makatrabaho ang dalaga.

“Gusto ko si Yen. Sinabi ko sa kanya sa Star Magic Ball a couple of years back, hindi niya naalaala, nu’ng una kaming nagkita, ang ganda-ganda ng mukha niya.

“Napaka-pleasant ng aura niya. Sabi ko, bihira ‘yung ganyan talaga na ‘your aura is different’ and talagang may star material, so when this project came about, hindi ako nagdalawang-isip kasi napapanood ko siya sa All of Me, the time that Direk Dondon pitched the concept to me.

“Napapanood ko siya, sabi ko very effective siya du’n sa role niya so hindi ako nagdalawang-isip.

“Yen is refreshing, this is her first film. Nag-draw ako sa energy niya, ‘yung excitement n’ya ‘yung ‘pag-anticipate niya sa eksena niya, nag-enjoy ako. Siyempre for being in the business for quite sometime already, naghahanap ka rin ng inspirasyon, and she’s one of my inspiration,” paglalarawan ng aktor sa dalaga.

At dahil couple ang papel nina Piolo at Yen, required siyempre ang kissing scenes dahil kailangan sa istorya.

“Importante ‘yung mga ganoong eksena sa mga ganitong ka-sensitive na eksena because it’s speaks something. It’s speaks about closure, commitment,” kuwento ni Piolo.

Samantala, nagkuwento rin si Papa P tungkol sa shooting nila sa ibang bansa ng Northen Lights: A Journey To Love.

“Hindi ko po ipagpapalit ito sa ibang experience na nagawa ko kasi to be able to shoot abroad and to work with international crew and the story itself which is very real, very timely and at the same iba ‘yung milieu niya and it’s a treat to audience.

“Ibang lugar naman ang makikita nila and the story itself is relatable not just because of my character even kay Raikko (Mateo) and Yen marami kang puwedeng kapitan doon sa pelikula, sa character,”sabi niya.

Mapapanood ang Northern Lights: A Journey To Love simula sa Marso 29, produced ng Regal Entertaiment, Spring Films at Star Cinema. (REGGEE BONOAN)