Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na manalangin, mag-ayuno at magkawanggawa sa panahon ng Kuwaresma.
Bilang pagkakawanggawa, hiniling ni Tagle sa mga Katoliko na suportahan ang kampanyang Fast2Feed, ang pangunahing programa ng Hapag-Asa ng Pondo ng Pinoy, na naglalayong mapakain ang mga nagugutom at malnourished na bata sa bansa.
Hinihimok nito ang mga tao na mag-ayuno sa panahon ng Kuwaresma at ibigay ang perang kanilang natipid para mapakain ang mga bata.
“It only takes P1,200.00 for six months-or P10.00 per day to bring back a hungry and undernourished child to a healthy state,” sabi ni Tagle sa kanyang pastoral letter para ngayong Ash Wednesday.
Ipinamamahagi ang Fast2Feed 2017 Fund Campaign envelope sa mga parokya at paaralan.
Hinikayat ni Tagle ang mga deboto na ialay ang Fast2Feed envelope sa mga misa o ibalik ito sa opisina ng parokya pagkatapos ng Ash Wednesday. (Leslie Ann G. Aquino)