AIGLE, Switzerland (AP) — Sinuspinde ng 30 araw ang Iranian team Pishgaman Cycling matapos magpositibo sa ipinagbabawal na droga ang dalawang miyembro.
Ayon sa International Cycling Union, ang third-tier team “is suspended from participating in any international event.”
Epektibo ang ban simula Marso 6 hanggang April 6.
Hindi pinangalanan ng cycling governing body ang dalawang siklista na kapwa pumalya sa kanilang drug testing.
Ipinahayag naman ng UCI sa hiwalay na desisyon na nagsimula na ang four-year banned sa isa pang Iranian na si Naser Rezavi na nagpositibo sa ‘anabolic steroid’ noong December 2015 race sa Malaysia.
Pinatawan din ng ‘provisionally suspension’ si Iranian Rahim Emami na nagpositibp sa ‘anabolic steroid’ nitong Oktubre.