Pinagmulta ng Sandiganbayan ang abugado ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos matapos itong i-contempt sa hindi pagsipot sa pagdinig sa kasong graft ng kongresista noong Lunes.
Pinatawan ng 5th Division ng anti-graft court ng P2,000 multa si Robert Sison sa patuloy nitong pang-iisnab sa pagdinig at walang ibinigay na dahilan sa hukuman.
Kahapon, inutusan ng korte ang prosekusyon na magharap ng kanilang ebidensiya sa Mayo 10 at 11. (Rommel P. Tabbad)