Albie copy

KUNG dati’y todo-iwas si Albie Casiño sa press people, buong tiwala at buo ang loob siyang humaharap ngayon sa mga gustong kumausap sa kanya.

“Ngayong wala nang controversy na pinag-uusapan, ‘di na ako takot humarap sa press, wala nang stress. Super saya ko do’n,” simulang pahayag ni Albie sa presscon ng Pwera Usog.

Hindi raw niya kailangan ang kontrobersiya para mapag-usapan at lalo pang makilala sa showbiz?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I’d rather not, di ba? Kung pinapili mo sa akin, mas okey sa akin na hindi nangyari ‘yon. Oo, sana hindi na lang siya nangyari,” katwiran ni Albie.

Lalo ba siyang nakilala noong pilit ipinaangkin sa kanya ang bata na hindi naman talaga siya ang ama?

“Okey lang. At least hindi nadamay ‘yung pangalan ng pamilya ko. Hindi na-bash ‘yung magulang ko, di ba? ‘Yon ‘yong hindi naiintindihan ng mga tao, eh. Hindi lang naman ako ‘yung nasiraan do’n, eh.”

Kagagaling lang ni Albie sa mahaba-habang bakasyon sa Amerika, sa piling ng mga kamag-anak. Sa nasabing bansa na rin sana siya titira kung napagpasyahan niyang mag-quit na lang sa showbiz dahil sa mga intriga.

“Yeah, totoo ‘yon. Nagkaroon ng time na naisip ko na ayoko nang mag-artista, na hindi ito para sa akin, ganu’n.

Actually, up to recently, pinag-iisipan pa rin na mag-aaral na lang ako abroad.

“Medyo naumay kasi ako sa mga controversy, sa mga nangyari pero ngayon na parang nanalo na ako ng award (Gawad Tanglaw Best Actor para sa Maalaala Mo Kaya?, pinag-iisipan ko na ulit kung ititigil na ito or hindi. Parang more of validation siya na hindi ko sinasayang ang oras ko dito, parang ganu’n.”

Mag-quit man o ipagpatuloy ang career sa showbiz, alam niyang may paroroonan din siya. Dahil mayroon pa siyang ibang kayang gawin.

“It’s for my future also, eh. Hindi pa ako graduate ng college. ‘Di naman forever itong showbiz. Hindi naman lahat ng tao nagiging Piolo Pascual na magiging career mo talaga ‘yung showbiz. Everyday may bagong artista, so hindi mo talaga alam. Tumatanda na ako, parang pakonti nang pakonti ‘yung opportunities, so I just have to be practical,” makahulugang wika ng binata.

Pinag-iisipan niyang mag-concentrate sa pag-aaral dahil ayon sa kanya ay hindi pa rin niya nakikita ang sarili na pang-showbiz.

“Kasi yung personality ko talaga hindi siya pang-showbiz, eh. Parang very private person, hindi ako masyadong magaling magsalita sa harapan ng maraming tao. So parang ‘yung naiisip ko, hindi talaga para sa akin ang showbiz, pero mahal ko ‘yung ginagawa ko, di ba? Gusto ko ‘yung umaarte ako, so if ever I will stop and go to school, it will still be something connected to this – parang screenwriting, cinematography.”

Tinanong si Albie kung papayag ba siyang makatrabaho balang araw si Andi?

“Work is work, di ba? I need to put food on the table and stuff but if they ask, I’d rather not. I mean, parang ayokong maging weird sa set, eh. I’m not saying that it’s weird but I’m not going to pretend that there’s no history or whatever,” masayang sagot ni Albie. (ADOR SALUTA)