KABUUANG 90 kapana-panabik na labanan ang naghihintay sa mga suki ng Las Piñas Coliseum ngayong sa paglalatag ng 2nd Leg 6-cock derby ng ginaganap na 2017 UFCC Cock Circuit kung saan nangunguna sina Ka Luding Boongaling (LB Candelaria) at Gerry Ramos (AAO) matapos na magsalo sa kampeonato sa unang yugto at manguna sa karera para sa 2017 UFCC Cocker of the Year.

Sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino, ang Ultimate Fighting Cock Championship ay itinuturing na pinaka-mahirap na kumpetisyon ng sabong sa buong bansa ‘kung saan ang pinaka-magagaling at pinaka-matatapang na sabungero lamang ang sumusubok lumaban”. Ito ay sa pangunguna pa rin nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos at Engr. Sonny Lagon.

Ang nag-iisang 1st Leg runner-up finisher na si Anthony Lim na may pasabong na Piwa 7-Cock Big Event sa Lucena Cockpit Arena sa Abril 29 ay isa sa mga inaasahang maliyamado kasama ang naka apat na puntos na sa unang yugto na sina Eddie Boy Villanueva (Apo Fiscalizer); Ramon Atayde (RRA/Andre), Gov. Eddiebong Plaza (New Born), Atong Ang (AA Cobra); Mayor Nene Aguilar (Aivee 1), Felix Gatchalian (CJ Monarch), Edwin Tose (Apr. 5 sa SJC Dayang-dayang 5-Cock); Jojo Cruz (J and B Kaingin); RJ Mea (RJM) at Engr. Sonny Lagon (Blue Blade).

Ang mga darating pang labanan ay sa Marso 4, 11 at 25, gayundin sa Abril 1, na magtatapos sa isang one-day 7-derby sa Abril 22.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!