BEIJING (AP) — Hindi lamang basketball ang nais madomina ng China sa hinaharap.
Ipinahayag kamakailan ni China Football Association (CFA) vice president Wang Dengfeng na plano ng asosasyon na magtatag ng 50,000 football academies bago ang taong 2025.
Sa panayam ng state media, sinabi ni Wang na bawat academy ay makapagsasanay ng 1,000 batang atleta, sapat para matupad ang target na pagkakaroon ng 50 milyon competent football player sa bansa.
"This is a solid way to select football talent for our future reserves. Improving Chinese football is no longer just a dream," pahayag ni Wang sa website ng Communist Party mouthpiece People's Daily.
Sa kasaysayan, isang pagkakataon pa lamang na nakasabak ang China sa prestihiyosong World Cup dahilan para isulong ni President Xi Jinping ang kaunlaran ng football bilang isa sa prioridad ng kanyang liderato.
Bilang panimula, kinuha ng China ang serbisyo ni Brazil's World Cup-winning manager Marcello Lippi para pangansiwaan ang national men's team. Habang kinuha na rin ng China pro league ang mga superstar na sina Alex Teixeira at Jackson Martinez.