PINAGKALOOBAN ng hindi malilimutang karanasan ng Globe at Home ang mga masuswerteng broadband subscriber nang ilibre sila patungong New Orleans para live na makapanood ng NBA All-Star game nitong weekend.

“The NBA All-Star Weekend is one of the most exciting sporting events in the world, and we want to create winning moments for our subscribers by bringing them where the action is,” pahayag ni Martha Sazon, Senior Vice President of Globe At Home.

“Watching an NBA All-Star game live is a once-in-a-lifetime experience that we want to share with the winning Globe broadband subscribers,” aniya.

Misis, rumesbak agad kay Eumir Marcial: 'Kapal ng mukha mo!'

At hindi ito ang huling panlilibre ng Globe at Home dahil magsasagawa ng panibagong draw sa Pebrero 27 kung saan ang dalawang magwawagi ay pagkakalooban ng libreng airfare, hotel accommodation at tiket para makapanood ng NBA game. Sa huling draw sa Marso 20, 2017, ang masuwerteng subscriber ay libreng makakapanood ng live ng NBA Finals game, gayundin ang 2017 NBA Draft.

“Globe At Home strives to create a seamless experience for all subscribers, and this extends to our promos as well.

All of Globe At Home’s subscribers will be automatically added to the raffle with the NBA LEAGUE PASS,” pahayag ni Sazon.

Para sa karagdagang impormasyon hingil sa naturang promo ng Globe At Home, bisitahin ang www.globe.com.ph/broadband at www.globe.com.ph/surf/plan/nba /fly-away-promo.