MOCHA copy

AS of press time, wala pang update sa sinabi ni Mocha Uson na magre-resign siya bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MRCB) dahil hindi pa sila nagkakausap ng bagong chairperson ng ahensiya na si Ms. Rachel Arenas.

Hindi natuloy ‘yung binanggit ni Mocha na kakausapin niya ang MTRCB chief nitong Lunes, Pebrero 20 dahil sangkaterba ang meetings ni Ms. Rachel, at iniulat naman sa PEP mula sa panayam ng programang Showbiz Talk Ganern sa DZRH na hindi siya ang tatanggap ng resignation.

“Actually, siyempre, kung sino po ang nag-appoint sa amin, siya rin po ang tatanggap ng resignation. Sa akin na lang, sana hindi na lang umabot sa ganu’n,” paliwanag ni Chief Rachel.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nalaman din namin na marami ring meetings kahapon ang MTRCB chief at walang update kung nagkausap na sila ni Mocha Uson.

Pero dati nang nagpahayag si Ms. Rachel na hindi nakakadalo si Mocha sa mga nakaraang board meeting. Kumpirmasyon ito sa sinulat namin na noong Enero lang dumalo si Mocha at absent na ito sa mga sumunod na meeting kaya paano nga naman malalaman ng ibang board members ang reklamo niya?

Nag-ugat ang reklamo ni Mocha sa hindi raw naipatupad na rating na SPG o Strong Parental Guidance sa mga programang The Better Half at Ipaglaban Mo kaya mas mabuting tanggalin na lang daw ito.

Aminin man o hindi ni Mocha, talk of the town ang The Better Half simula nu’ng umere ito noong nakaraang linggo at mas nagpakaingay pa nang tumatalak siya sa video blog niya.

Sabi nga nila, positive or negative publicity is still publicity. Kaya nakalibre ng ngayon publicity ang Better Half.

(Reggee Bonoan)