PINATUNAYAN ng AMA Online Education na kaya nilang manalo – sa natatanging pamamaraan – kahit wala ang star player na si Jeron Teng.

Naghabol ang Titans mula sa anim na puntos na pagkalugmok sa huling limang minuto para maitarak ang come-from-behind 83-78 panalo kontra Blustar Detergent kahapon sa 2017 PBA D-League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Ang panalo ang ikatlong sunod para sa Titans at una na wala si Teng na kabilang sa Mighty Sports-Philippine Team na sumasabak sa Dubai International.

Naiiwan sa iskor na 69-75, may nalalabi pang 4:38 sa laban, nagtala ang Titans ng 8-0 run na tinampukan ng isang 3-point shot mula kay Jay-R Taganas upang maagaw ang kalamangan, 77-75.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinundan pa ito ng dalawang dikit na baskets ni Ryan Arambulo upang maitaas ang kalamangan hanggang limang puntos, 81-76.

“Sabi ko sa kanila its all about pride,” wika ni AMA coach Mark Herrera.”Kitang kita naman na kaya naming layuan pero nag-relax at nakahabol ang kalaban dahil nagkaroon ng kumpyansa,” aniya.

Pinangunahan naman ang Blustar ng Malaysian na si Kwaan Yoong Jing na may 16 puntos.

Nakabangon din ang Batangas mula sa 22 puntos na paghahabol para gapiin ang Wangs, 97-96.

Hataw ang Batangas sa 27-4, tampok ang putback ni Yutien Andrada mula sa mintis na tira ni Joseph Sedurifa sa krusyal na sandali para sa ikalawang panalo sa anim na laro.

Nanguna si Cedrick de Joya na may 19 puntos, habang kumubra si Sedurifa ng 18 puntos at 11 rebound.

Iskor:

(Unang laro)

AMA 83 - Tiongson 23, Arambulo 20, Alabanza 16, Barua 7, Taganas 5, Macaranas 4, Bragais 2, Jordan 2, Flores 2, Riley 2, Jumao-as 0, Carpio 0.

Blustar 78 - Kwaan 16, Mak 15, Ang 11, Perez 11, Liaw 10, Ong 6, Melano 6, Heng 3, Choong 0, Chin 0.

Quarterscores: 24-20; 43-42; 55-64; 83-78.

(Ikalawang laro)

Batangas 97 - De Joya 19, Sedurifa 18, Andrada 13, Inciong 10, Laude 10, Sara 7, Isit 5, Lascano 5, Ablaza 4, Dela Pena 3, Mangabang 3, Ada 0, Anderson 0, Fortu 0.

Wangs 96 - Tambeling 21, Publico 15, Tayongtong 15, Regalado 13, Montuano 12, M. Gomez 10, Labing-isa 5, King 3, Brana 2, Enriquez 0, Salcedo 0.

Quarterscores:

22-23; 37-59; 62-82; 97-96. (Marivic Awitan)