Hindi pa rin tumitigil ang pagyanig sa paligid ng dalawa sa anim na pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas—ang Kanlaon sa Negros at ang Bulusan sa Sorsogon.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ang ahensiya ng anim na pagyanig sa Kanlaon habang dalawang paglindol naman ang naramdaman sa palibot ng Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Bagamat negatibo sa pagbuga ng abo, tinututukan pa rin ng Phivolcs ang dalawang bulkan dahil sa posibleng biglaang phreatic eruptions ng mga ito.

Bukod sa Kanlaon at Bulusan, kabilang sa mga pinakaaktibong bulkan sa bansa ang Pinatubo sa Zambales, Mayon sa Albay, Hibok-Hibok sa Camiguin, at Taal sa Batangas. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!