Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga senior high school (SHS) student sa bansa na magparehistro na at dumalo sa serye ng voter’s education lecture na isinasagawa ng komisyon.
Ayon sa Comelec, hanggang Abril 29 na lang maaaring magparehistro ang mga ito upang makaboto sa Barangay and Sangguiang Kabataan Elections sa Oktubre 23, 2017.
Sinabi ng Comelec na sa kabuuang 816,591 aplikasyon na natanggap nila noong Nobyembre at Disyembre sa buong bansa, nasa 193,229 pa lang ang SK registrants.
Iniulat din ng Comelec na may 38,927 voter’s ID card ang inisyu at ipinamahagi na ng poll body sa National Capital Region noong Enero 27-Pebrero 11, 2017. (Mary Ann Santiago)