ILANG oras ang inyong inilalaan sa paba-browse ng status updates o mga larawan ng inyong mga kaibigan sa Facebook?
Ayon sa bagong pag-aaral, ito ay higit sa inyong inaakala.
Napag-alaman ng mga researcher na ang pagbabad sa Internet o Facebook ay maaaring makasira ng ating pagkaunawa sa oras, na malaki ang nagiging epekto sa buhay natin.
Iniulat kamakailan ng mga awtor ng pag-aaral na sina Lazaros Gonidis at Dr. Dinkar Sharma, ng Center for Cognitive Neuroscience at Cognitive Systems sa University of Kent in the United Kingdom, ang kanilang natuklasan sa Journal of Applied Social Psychology.
Salamat sa smartphones at tables, dahil mas madali nang ma-access sa Internet. Ang pakinabang nito ay ang mabilis na pag-check ng email o paghahanap ng tamang direksiyon sa daan. Gayunpaman, may hindi pa rin magandang naidudulot ito.
Napag-alaman na sa ilang pag-aaral na na ang madalas na paggamit ng smartphone ay maaaring humantong sa Internet addiction, na maaaring magdulot ng malubhang implikasyon sa kalusugan ng pag-iisip at sa pagkatao.
Kakaunti pa lamang ang pagsusumikap nitong nagdaan dekada ng mga social media site tulad ng Facebook para makaiwas sa madalas na paggamit ng Internet at smartphone. Ayon sa ulat ng Pew Research Center noong 2016, halos 76 porsiyento sa mga gumagamit ng Facebook ang napaulat na bumibisita sa site araw-araw, at umabot naman sa 55% ang bumibisita sa site ilang beses sa isang araw.
Ipinakita sa mga nauna nang pag-aaral na ang madalas na paggamit ng Facebook ay maaaring makapag-ambag ng panganib ng depression at iba pang problema sa pag-iisip.
Para sa kanilang pag-aaral, nag-imbestiga sina Gonidis at Dr. Sharma kung paano naaapektuhan ng paggamit ng Facebook at Internet ang time perception ng tao. Ang resulta nito ay mahalagang para sa addiction research.
Para makamit ang findings, nagpasok ang mga researcher ng 44 na matatanda at iprinisinta sa kanila ang ilang mga imahe. Lima sa mga larawan ang konektado sa Facebook, lima ang may kaugnayan sa Internet bilang kabuuan, at ang natitira pang 10 ay generic “control” images.
Ipinakita ang bawat imahe sa mga kalahok sa magkakaibang haba ng panahon. Pagkatapos ipinakita ang bawat larawan, ibinahagi ng mga kalahok kung nakita nila ang imahe sa mahaba o mas maikling panahon.
Napag-alaman ng mga researcher na kadalasang hindi namamalayan o hindi pinapansin ng mga kalahok ang oras na inilalaan nila sa paggamit ng Internet at Facebook na konekado sa imahe.
Iminumungkahi ng grupo na ang natuklasan sa paggamit ng Internet at Facebook ay maaaring makabuo at magpabago sa paniniwala sa oras sa pagbabago ng attention process.
“We found evidence that Internet- and Facebook-related stimuli can distort time perception due to attention- and arousal-related mechanisms,” saad ng mga researcher. (PNA)