CAGAYAN DE ORO – Naitala ang record-breaking 1,479 na bilang ng mga kalahok na nakiisa sa isinagawang Regional Selection Camp of Jr. NBA Philippines 2017 nitong Pebrero 11-12 sa Xavier University.

Matapos ang pagsalang sa iba’t ibang basketball drill at scrimmage, napiling top player sina Jezreel Aton, 13, ng Bethel Baptist Christian Academy; Khen Caduyac, 13, at Stephen Jebson Garcia, 13, ng Corpus Cristi; John Anthony Melgazo, 14, at Jerald Orestes, 13, ng Bukidnon National Highschool; Geo Ramos, 13, ng Xavier University at Maverick John Vieto, 13, ng San Isidro College ruled the boys division while Louise Veronica Agad, 12, Ella Rae Amulato, 12, at Pauline Angelique Valle, 12, ng Misamis Oriental General Comprehensive Highschool (MOGCHS); September Star Padla, 13, of Bukidnon State University; at Giordana Tagarda, 10, ng City Central School sa girls class.

Nakatakda ang Jr. NBA Philippines National Training Camp sa Manila sa Mayo 12-14.

Bukod sa talento, nakapagpamalas ang 12 batang baller ng katauhan na nababatay sa sinusunod na S.T.A.R. values of Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect ng Jr. NBA Camp, na pinangangasiwaan ni Jr. NBA Coach Craig Brown.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“These kids in Cagayan De Oro listen extremely well and play hard,” sambit ni Brown. “If they continue to work on the fundamentals that we worked on here over the last two days and really stay committed to the S.T.A.R values which they exuded here this weekend, I think the sky is the limit for these young people.”

Nagmula ang mga kalahok sa malalayong lalawigan at bayan mula sa Bukidnon, Butuan, Misamis Occidental at Zamboanga sa pagnanais na makakuha ng sapat na kaalaman sa basic basketball at mapabilang sa koponan ng bansa sa NBA youth basketball participation program.

Nakatakda ang susunod na Jr. NBA Philippines Regional Selection Camp na itinataguyod din ng Alaska sa Lucena (Feb. 25-26), Cebu (March 11-12) at Manila (April 1-2). Libre ang pagpapatala ang bukas ang camp sa kabataang lalaki at babae na may edad 10-14.