MINNEAPOLIS (AP) — Walang Love sa Araw ng mga Puso ang Cleveland. Ngunit, hindi ito dahilan para umuwing luhaan si LeBron James at ang Cavaliers.

Kumawala sa depensa si James para maitarak ang 25 puntos, 14 assist at walong rebound at sandigan ang Cleveland sa 116-108 panalo kontra sa Timberwolves sa Valentines Day match nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Hataw din si Channing Frye sa naiskor na 21 puntos at 10 rebound, bilang starter kapalit ni All-Star forward Kevin Love na inaasahang hindi makalalaro sa loob ng anim na linggo dulot ng operasyon sa kaliwang tuhod.

Nag-ambag si Kyre Irving ng 25 puntos para sa Cavs.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Nabalewala naman ang 41 puntos ni Andrew Wiggins sa Wolves, habang kumubra si Karl-Anthony Towns ng 26 puntos.

BULLS 105, RAPTORS 94

Sa Chicago, nahila ng Bulls, sa pangunguna nina Doug McDermott na may 20 puntos at All-Star Jimmy Butler na kumana ng 19 puntos at 12 assist, ang dominasyon sa Toronto Raptors sa head-to-head duel sa 11.

Nagsalansan si Taj Gibson ng 14 puntos at tumipa si Rajon Rondo ng 12 para sa Bulls na hindi bumitaw sa naitarak na 23 puntos ne bentahe sa third period.

Nanguna si Kyle Lowry sa Raptors sa naiskor na 22 puntos, habang kumubra si DeMar DeRozan ng 18 puntos bago napatalsik sa laro dahil sa technical.

KINGS 97, LAKERS 96

Sa Los Angeles, hataw si DeMarcus Cousins sa nakubrang 40 puntos at 12 rebound sa panalo ng Sacramento Kings sa Lakers.

Nanguna si Lou Williams sa Lakers sa naharbat na 29 puntos.