Patuloy na nararamdaman ang volcanic activity ng Bulkang Kanlaon sa Negros, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nakapagtala ang Phivolcs ng 13 pagyanig sa palibot ng bulkan sa nakalipas na 24 oras, bukod pa sa sulfur dioxide emission na umaabot sa 12 tonelada bawat araw.

Ipinaiiral din ng Phivolcs ang four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) sa paligid ng Kanlaon.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad din ng Phivolcs ang alert level 1 status ng bulkan, na nangangahulugang posible itong sumabog anumang oras. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito