Kasabay ng umiinit na kampanya ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa laban sa illegal gambling, inaresto ang 14 na katao sa raid ng mga pulis sa tupadahan sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Sa report ni Police Chief Insp. Rhoderick Juan, head ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 1602 (illegal cock fighting) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang mga naaresto.

Sa panayam kina SPO4 Richard Bautista at SPO1 Joseph Pagtama, bandang 10:00 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang Station Investigation Branch (SIB) kaugnay ng nagaganap na tupada sa G. Molina Street, Canumay ng nasabing lungsod.

Dahil dito, nilusob ng mga pulis ang tupadahan at pagdating sa lugar, kanya-kanya ng takbuhan ang mga sabungero ngunit hindi nakatakas ang 14 na katao na pawang residente sa naturang lugar. (Orly L. Barcala)

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan