Walang kinalaman sa pag-atake ng mga kalaban o terorismo ang pagkakasunog sa isang bahagi ng Camp Servilliano Aquino sa Tarlac City kasunod ng pagsabog nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP)-Public Affairs Office (PAO) chief Col. Edgard Arevalo, hindi pag-atake ng kalaban ang sanhi ng pagsabog sa loob ng kampo ng Northern Luzon Command (NolCom), ang pinakamalaki sa North at Central Luzon.

Aniya, inaalam pa nila ang sanhi ng pagsabog, na nangyari mag-aalas onse ng gabi.

Batay sa initial findings ng AFP, may kinalaman ang pagsabog sa safety issues dahil may precautionary measures na hindi naipatupad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Initial inquiry revealed that the fire started in an old Enlisted Personnel Barracks of Army Support Command,” saad sa pahayag ni NolCom Commander Lt. Gen. Romeo Tanalgo.

Nilinaw din ni Tanalgo na walang nasawi o nasugatan sa insidente, at wala ring kabahayan na nadamay sa sunog.

Nakikipag-ugnayan na ang NolCom sa pulisya at sa Tarlac Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para imbestigahan ang insidente. (Fer Taboy at Mar Supnad)