Pinatatanggal ng Ombudsman sa serbisyo ang alkalde ng Tuguegarao City matapos mapatunayang ilegal ang kanyang pagbibigay ng permit para sa isang transport terminal noong 2013.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagkasala si Jefferson Soriano sa reklamong grave misconduct and abuse of authority.

Pinagbawalan din si Soriano ng Ombudsman na humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan, at kinansela ang kanyang retirement benefits at ang kanyang civil service eligibility.

Ayon sa Ombudsman, nagpalabas ng kautusan si Soriano noong Oktubre 8, 2013 na nag-oobliga sa mga bus, van, at passenger jeepney operator at driver na buwagin ang kanilang mga terminal at pinapapuwesto na lamang ang mga ito sa labas ng Poblacion, Tuguegarao.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Idinahilan ni Soriano na sinunod lamang niya ang isang ordinansa na nagpapahintulot sa city government na pumili kung saan magtatayo ng parking area.

Nagpalabas si Soriano ng isang provisional permit to operate sa One Way Parking Terminal, Inc. (OWPTI) noong Disyembre 20, 2013 para magbukas ng terminal. Inindorso rin ng alkalde ang aplikasyon ng OWPTI sa Sanggunian.

“The mayor committed a corrupt act when he gave unwarranted benefit, advantage or preference to OWPTI through manifest partiality by issuing the provisional permit without prior ordinance and authorization from the Sanggunian.

Soriano abused his authority and flagrantly disregarded established rule since he put the cart before the horse by issuing the permit without authorization by the Sanggunian,” pagdidiin ni Morales. (Rommel P. Tabbad)