Inaprubahan kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P1 dagdag-pasahe sa jeepney at pagbabalik ng P40 na flag-down rate sa mga taxi sa Metro Manila at sa Regions 3 at 4.

Simula sa ikatlong linggo ng Pebrero ay magiging P8 na ang minimum na pasahe sa jeep, mula sa singil ngayong P7. Para sa mga taxi, maniningil ang mga driver ng P40 base fare, makaraang ibaba sa P30 noong 2015.

Ang taas-pasahe ay alinsunod sa petisyon ng Allianced Concerned Trasport Organization (ACTO) at iba pang transport groups noong nakaraang taon.

Nilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na provisional lamang ang nasabing fare adjustment.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sinabi pa ng LTFRB na maaari lamang ipatupad ng mga jeepney at taxi driver ang taas-pasahe 15 araw makaraang malathala ang nasabing order ng ahensiya sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon.

Iginiit naman ng ahensiya na dapat na magbigay ng diskuwento ang mga driver ng jeepney at taxi sa matatanda, estudyante at may kapansanan. (Vanne Elaine Terrazola at Rommel Tabbad)