KALIBO, Aklan - Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang fact-finding investigation sa pagpapatigil ng dredging operation sa Kalibo, Aklan.

Matatandaang ipinatigil ang dredging operation sa Barangay Bakhaw Norte, base na rin sa reklamo ng mga residente.

Sinabi naman ni Alexander Borja, ng Department of Public Works and Highways (DPWH),na binigyan ng permiso ng kagawaran na makapaghukay ang STL Panay Resources, Inc. sa pangakong magiging positibo ang epekto nito sa mga komunidad.

Lumalabas kasi sa imbestigasyon na hindi nakakuha ng endorso ang kumpanya mula sa pamahalaang bayan ng Kalibo kaya nakapaghain ng reklamo ang mga residente. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito