BUTUAN CITY – Hindi pa man nakakauwi ang maraming tumutuloy sa iba’t ibang evacuation centers sa Caraga Region, partikular sa Agusan del Sur at Butuan City, kasunod ng matinding epekto ng baha na dulot ng ilang linggong tuluy-tuloy na pag-uulan, naghahanda na muli ang mga lalawigan sa hilaga-silangang Mindanao sa panibagong sama ng panahon.

Sa huling weather forecast ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Authority (PAGASA) rito, namataan ang low pressure area (LPA) sa 790 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Makararanas ng pag-uulan at isolated thunderstorms ang silangang Mindanao dahil dito.

Ngayon pa lamang ay nasa “response mood” na ang mga disaster response council sa iba’t ibang dako ng rehiyon sa paghahandang ilikas ang mga residente sa mga lugar na delikado sa baha at pagguho ng lupa.

Isinailalim na rin sa alert status ang iba’t ibang provincial, city at municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Pinakamatinding naapektuhan ng pagbabaha simula nitong Enero 17 ang Agusan del Sur, makaraang malubog ang mga bayang nakapaligid sa umapaw na Agusan Marsh. (Mike U. Crismundo)