Bukod sa madugong patayan na inilalathala sa mga diyaryo, may isang proyekto ang mga mambabatas, sina Sen. Manny Pacquiao at Navotas Rep. Tobias Tiangco, na kinakailangan agad pagtibayin. Ang nasabing isinusulong na proyekto ay inendorso ng Boracay Foundation, Inc. (BFI) sa pangunguna nina Dr. Henry Chusuey at Dionisio Salme, chair at president, ayon sa pagkakasunod.
Kamakailan lamang, naghain ng panukala ang dalawa na naglalayong rebisahin ang batas na sinisingil ng mga power distributor ang mga consumer para sa mga nawawalang kuryente sa proseso ng distribusyon.
Ipinagdiinan ni Tiangco, sa introduction ng bill, ang pangangailangan na “unburden the public from shouldering the cost of power losses it has nothing to do with” at itigil ang pagpasa ng mga bayarin, na kung tawagin ay system loss, sa publiko.
Ang pagkawala ng kuryente ay resulta ng “pilferage and inefficient transmission, both of which should be the responsibility of the electrical distribution company or cooperative,” isang argumento na dalawang dekada nang hindi nareresolba.
Sa ngayon, ang Pilipinas ang pangalawa sa pinakamataas na singil sa kuryente kada kilowatt hour sa Southeast Asia.
Kung ito isang insulto sa mamamayang Pilipino, ano ito?
Mula sa pananaw ng isang ordinaryong mamamayan, kaya tumataas ang mga bill sa kuryente ay dahil ang proseso ng kuryente sa bawat bahay ay sumusunod sa tatlong proseso, at ito ay ang generation, transmission at distribution.
Kung... pagsasamahin ang subsidies para sa missionary connections (unproductive lines), ang mathematical formula sa pagko-compute sa power consumption ay apektado.
“Laws governing power in the country should also be reviewed thoroughly with safety nets adopted to ensure that unwarranted charges are not passed on to users. And, if there are fiscal deficiencies from defective contracts the government signed with the private sector, the adjustment in rates should not be against the consumers. Let’s not pass the buck.” Ayon sa BFI. (Johnny Dayang)