KUNG kailan malapit na ang Valentine’s Day, saka naman mukhang ‘viral’ ang breakup ng celebrity couples.
Nauna na sina Ellen Adarna at Baste Duterte. Pumangalawa sina Robi Domingo at Gretchen Ho. Hindi pa kumpirmado, pero mukhang susunod sa kanila sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.
Ang daming nalungkot na hiwalay na sina Robi at Gretchen na kita-kita naman ng publikong very much in love with each other. Hindi pa nabanggit kung bakit winakasan ng dalawa ang almost four years nilang relasyon.
Nang makausap namin si Robi sa isang showbiz event, nabanggit niya na isa si Gretchen sa mga rason kung bakit siya nagsisikap. Gusto niyang maging secure ang future nilang dalawa.
Nagtatanungan naman ang fans kung break na rin sina Daniel at Erich nang mapansin na dinelete ng aktres ang photos nila ng binata sa kanyang Instagram account.
Binisita namin ang IG account ni Erich at wala na nga kaming nakitang pictures nila ni Daniel.
Pero sa huling ipinost ni Erich na quotation na, “Your love is better than life,” nag-like pa si Daniel. Kaya lang, that was seven days ago at wala pa uling bagong post ang dalaga.
Sa isang post naman ni Daniel, sabi niya: “Guys I would like to ask a favour pls... we are talking and going through some personal things... all we need is your support and love... not people talking trash... we love you all with no limit and we just need some respect and time. thank you. God bless you guys...” (NITZ MIRALLES)