Raquel Pellisier copy copy

SI Miss France Irish Mittenaere ang kinoronahan bilang bagong Miss Universe at si Miss Haiti Raquel Pelissier naman ang tinanghal na first runner-up sa katatapos na 65th Miss Universe.

Sabi ng ilang observers, medyo unexpected ang result. Ngunit tinanggap naman ang mga nanalo dahil pawang deserving naman ang mga ito.

Si Raquel Pellisier ang naging crowd favorite nang gunitain niya ang kanyang naranasan sa lindol na nagpahina sa kanyang pananaw sa buhay ngunit sinikap niyang malampasan para sa pangarap na nais niyang abutin.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon sa interview GMA Network kay Miss Haiti, mayroon siyang Filipino roots at ito ay sa mother side niya.

“Before coming here in the Philippines, I was really excited because from my mom’s side, I have Filipino blood, and since I was little, they used to tell me that I never lived with that side of the family, but I’m interested in learning about the culture and that’s why I’m happy to be here,” saad ni Miss Haiti.

Ayon pa sa kanya, gusto niyang makapunta sa Boracay at sa iba pang beaches sa bansa. (Dianara T. Alegre)