ETHIOPIA (AP) – Kinastigo ni four-time Olympic champion Mo Farah ang isinulong na immigration policy ni US President Donald Trump kung saan mistulan siyang ‘alien’.
Iginiit ni Farah na walang katiyakan ang kanyang katayuan at kung makakabalik siya sa Amerika para makapiling ang naiwang pamilya.
Kasalukuyang nagsasanay sa traning camp sa Ethiopia ang Olympic champion.
Isang British citizen si Farah, ngunit ipinanganak siya sa Somalia, isa sa pitong Muslim nation na tinukoy ni Trump sa inilabas na Executive Order na nagpapataw ng ban para makapasok sa US.
“It’s deeply troubling,” pahayag ng 33-anyos na si Farah, anim na taon nang naninirahan sa US, sa kanyang mensahe sa Facebook.
“That I will have to tell my children that Daddy might not be able to come home — to explain why the President has introduced a policy that comes from a place of ignorance and prejudice.”
Ayon sa kampo ni Farah, nais nilang linawin ang kabuuan ng naturang EO upang maibsan ang pagaalala at kalituhan ng Olympic champion. Kahit ipinanganak sa Somalia, tangan niya ang Britsh passport.
“We are seeking to clarify the situation with the US authorities,” pahayag ni Jo Livingston, agent ni Farah, sa The Associated Press.
Isa si Farah, pinagkalooban ng titulong Knight ni Queen Elizabeth II, sa natataging atleta ng kanyang henerasyon tangan ang 5,000 at 10,000 meter sa 2012 at 2016 Olympic Games.
“On 1st January this year, Her Majesty The Queen made me a Knight of the Realm. On 27th January, President Donald Trump seems to have made me an alien,” pahayag ni Farah.
“I am a British citizen who has lived in America for the past six years — working hard, contributing to society, paying my taxes and bringing up our four children in the place they now call home. Now, me and many others like me are being told that we may not be welcome.”