PARANG isang multo na hindi mawala-wala ang mapait na alaala ng trahedyang nangyari sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 na ikinasawi ng mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF). Nais ni President Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng isang komisyon (Truth Commission) upang pag-aralan at suriin ang mga pangyayari sa naturang usapin at repasuhin ang mga imbestigasyon na ginawa ng Senado, PNP at ng iba pang lupon tungkol dito.

Ang target ng pag-aaral, pagsusuri at pagrerepaso ay tungkol sa Oplan Exodus na inilunsad ng PNP-SAF upang silbihan ng arrest warrant ang teroristang si Marwan at kasamang si Abdul Basit, isang Filipino terrorist din, na nagkukuta roon.

Batay sa mga report, ang pinamahala umano ni ex-Pres. Noynoy Aquino ay ang matalik niyang kaibigan na si ex-PNP Chief Director General Alan Purisima na noon ay suspendido ng Office of the Ombudsman. Katulong ni Purisima si ex-PNP-SAF director Getulio Napeñas na ipinatawag ni Noynoy sa Malacañang tungkol sa operasyon.

Pumalpak ang operasyon sapagkat napatay ang 44 SAF commando bagamat napatay rin nila si Marwan. Pinagtulungan ng MILF, BIFF at iba pang armadong grupo ang lumusob na SAF commandos na nakipagbakbakan sa mga kalaban mula madaling araw hanggang hatinggabi ng Enero 25, pero walang dumating na tulong.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kinuwestiyon ni Mano Digong si ex-PNoy kung bakit ang mga pulis at hindi ang mga sundalo ang ipinadala sa Mamasapano dahil tungkulin ng mga kawal ang humarap sa terorismo at external threat. Kinuwestiyon din ni PDu30 kung bakit hindi inatasan ni Noynoy ang militar na malapit lang sa lugar ng engkuwentro na magpadala ng air asset (eroplano o helicopter), nagbagsak ng bomba upang matakot at magsitakas ang mga kalahok sa “pintakasi” (MILF, BIFF at armed civilian groups) upang makalusot at makatakas ang naiipit na SAF 44.

Sinabi ni ex-Pres Noynoy na hindi siya ang dapat sisihin sa pagkamatay ng kabataang mga pulis. Ang dapat daw sisihin ay si Napeñas na hindi sumunod sa utos niyang makipag-coordinate sa militar na malapit lang sa Mamasapano kapag kailangan ng SAF 44 ang tulong. Labis ang panghihinayang ng sambayanang Pilipino sa pagkamatay ng SAF 44 commando na ayon kay Pangulong Duterte ay “isinubo ni PNoy sa kuweba ng mga leon.”

Samantala, sa pagdinig sa Senado hinggil sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Ick Jee-Joo, inihayag ni Sen. Panfilo Lacson na marami pang insidente ng tinatawag na “Tokhang for Ransom” ang nangyari na, at ang nasa likod ng mga ito ay “rogue policemen” o mga tiwali, salbahe at tarantadong mga pulis. Ang target daw ng mga tarantado, mukhang-pera at sakim na mga tauhan ng PNP ay mayayamang foreign nationals. Ginagamit nila ang Operation Tokhang na ang tunay na layunin ay katukin ang bahay ng... hinihinalang pushers at users at pagsabihan na magbago na sila.

Nalalagay ngayon sa kahihiyan ang buong PNP at maging ang buong bansa dahil sa pagdukot-pagpatay kay Ick Jee-Joo na hiningan na ng P5 milyon ang biyuda, ay pinatay pa. Ang nakagugulat dito ay sa loob pa ng Camp Crame isinagawa ang krimen. Anyway, kahanga-hanga ang paghingi ng apology ni Pres. Rody sa mga Koreano at sa gobyerno ng South Korea sa pagkamatay ni Jee Joo, at nangako sa Korean Ambassador sa Pilipinas na pananagutin ang mga pulis na sangkot sa krimen at sila’y mabibilanggo! (Bert de Guzman)