HANDA na si Philippine Boxing Federation super flyweight champion Renoel Pael sa kanyang 10-round bout laban kay Australian at WBA Oceania bantamweight champion Andrew Moloney sa Pebrero 3 sa Adelaide Oval, North Adelaide, South Australia.

Galing si Pael sa dalawang sunod na panalo via knockout kaya umaasang iiskor ng upset sa walang talong si Moloney na kasalukuyang nakalista bilang No. 11 challenger kay WBA bantamweight champion Rau-Shee Warren ng United States.

May rekord si Pael na 21-4-1 win-loss-draw na may 11 pagwawagi sa knockouts at unang natalo sa kontrobersiyal na 12-round split decision kay WBA No. 2, WBC No. 7, WBO No. 14 at IBF No. 15 flyweight Noknoi CP Freshmart ng Thailand sa sagupaan para sa WBC International Silver flyweight title sa Bangkok noong 2014.

Natalo rin si Pael nang sunod-sunod sa kababayang si ex-OPBF at WBC International flyweight titlist Ardin Diale (UD 12), dating Japanese at world rated super flyweight Go Onaga ng Japan (UD 10) at Japanese flyweight titlist Suguru Muranaka (UD 8) bago ang dalawang sunod na panalo via stoppages.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

May perpektong rekord si Moloney na 11 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts at may pitong Pinoy boxers na siyang tinalo kabilang si two-time world title challenger Jether Oliva na tinalo niya via 6th round TKO noong nakaraang Oktubre 8 sa Victoria, Australia. (Gilbert Espeña)