Sabay-sabay na sinibak sa puwesto at kasalukuyang iniimbestigahan ang mga pulis na sangkot sa “tanim-droga”, pagkukumpirma kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO chief Director Oscar D. Albayalde na si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang nag-utos ng “administrative relief” sa mga pulis.

“No less than the PNP chief (Dela Rosa) ordered the relief of the policemen pending a probe on the CCTV footage,” ani Albayalde.

Ang mga sangkot na pulis na hindi muna pinangalanan ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NCRPO Regional Police Holding and Accounting Unit (RPHAU) facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ayon pa kay Albayalde, agad ipinasibak sa kani-kanilang puwesto ang mga pulis matapos silang mahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera na nagtatanim ng droga sa kasagsagan ng raid sa isang BPO company.

Tumangay pa umano ang mga pulis, ayon kay Senator Panfilo Lacson, ng P9 milyon mula sa nasabing kumpanya.

(Francis T. Wakefield)