HALLANDALE BEACH, Fla. (AP) — Liyamado ang California Chrome na makalikhang kasaysayan para sa kanyang huling karera.
Tangan ng two-time Horse of the Year ang 6-5 bentahe para manalo sa US$12 milyon Pegasus World Cup sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Gulfstream Park.
Sakaling magtagumpay ang California Chrome sa mile-and-an-eighth distance sa pinakamagarbong karera sa mundo – huling takbo bago iretiro para maging palahian – tatanghalin itong unang pangkarera na lumagpas sa US$20 milyon career earning.
Tangan naman ng Arrogate, nagwagi laban sa California Chrome sa Breeders’ Cup Classic, ang 7-5 bentahe.
Sa isinagawang draw nitong Lunes sa Gulfstream, nakuha ng Arrogate ang No.1 post, habang ang California Chrome ay nasa outside post sa 12-horse field.
“We won’t have to be in the starting gate long,” pahayag ni California Chrome trainer Art Sherman. “Chrome’s Chrome. He’s got tactical speed. I was hoping we might get closer inside, but he’s going to overcome all this, believe me.”
Ang Keen Ice — nakakuha ng maagang odds na 12-1 — ang ikatlong pambato.
“Already, the drama is starting,” pahayag ni Gulfstream Park President Tim Ritvo.
Sa kasalukuyan, may career earning ang California Chrome na $14,502,650. Ang ibang karibal ay may kinitang $12,856,216. Asam ng 10- iba pang horse owner na kailangan nilang mapigil ang California Chrome o ang Arrogate sa meta.
“It is a horse race. Anything can happen,” pahayag ni Neolithic owner Jack Wolf.