Binalaan kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko laban sa pagkain ng mga shellfish mula sa ilang baybayin sa Visayas at Mindanao.

Ito ay makaraang ihayag ng BFAR na positibo pa rin sa red tide toxins ang mga shellfish na hinahango sa mga baybayin ng Daram Island, Irong-Irong, Cambatutay, Maqueda at Villareal, pawang sa Western Samar; Matarinao Bay, Eastern Samar; Carigara Bay, Leyte; Biliran Province; Gigantes, Iloilo; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Balite Bay sa Davao Oriental. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito