PINATUNAYAN ng walang talong si WBA No. 9 light flyweight Tibo Monabesa na siya ang pag-asa ng Indonesia para magkaroon ng bagong kampeong pandaigdig nang talunin sa puntos si dating world rated Rene Patilano ng Pilipinas nitong Sabado ng gabi sa Jakarta.

Nakipagsabayan si Patilano kay Monabesa sa loob ng 12 round, ngunit ang Indonesian ang kinilingan ng mga kababayang hurado ng laban kaya nasungkit nito ang bakanteng WBC International Silver light flyweight crown.

“Unbeaten light flyweight Tibo Monabesa beat Rene Patilano by twelve round unanimous decision to claim the WBC International Silver title on Saturday night in Jakarta, Indonesia,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “The first half of the fight was a very even and tactical affair. After the sixth round, Monabesa’s superior stamina began to show.

The Indonesian fighter was able to effectively counter Patilano’s attacks and went on to a win a clear points victory. Scores were 116-112, 116-112, 117-111.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napaganda ni Monabesa ang kanyeng rekord sa 15-0-1 win-loss-draw na may 7pitong pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak si Patilano sa 15-3-3, tangan ang pitong knockouts. (Gilbert Espeña)