SINGAPORE -- Nailista ni Pinoy golf star Angelo Que ang eagle, ngunit nagtamo ng magkasunod na bogey bago nasuspinde ang laro sa third-round ng Singapore Open nitong Sabado.

Umiskor ang dating Philippine Open champion ng eagle sa par-5 No. 4, ngunit nag-bogey sa No.5 at No.6. Nakabawi siya ng walong sunod na par at apat na hole na lamang ang nalalabi sa kanyang round nang ipatigil ang laro dahil sa dilim.

Kasalo si Que sa ikapitong puwesto tangan ang 6-under. Kasama niya sa grupo ang kababayang si Juvic Pagunsan, umiskor ng one-under may dalawang hole ang nalalabi sa kanyang round.

Nasa ika-22 puwesto naman si Miguel Tabuena sa iskor na two- over matapos ang 15 hole sa naiskor na dalawang birdie at apat na bogey, habang umiskor si Tony Lascuna ng 72 para sa sosyong ika-49 puwesto sa torneo na co-sanctioned ng European Tour at Asian Tour.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!