TARLAC CITY - Hindi matiyak ng pulisya kung hanggang saan aabot ang reklamo ng isang dating overseas Filipino worker (OFW) laban sa mister nitong lumustay sa perang ipinadala niya makaraang malulong sa sugal at magkarelasyon sa ibang babae ang asawa sa Red Cross Village, Barangay Suizo, Tarlac City.
Sinampahan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children (RA 9262) si Reslie Peña, 34, tricycle driver, batay sa reklamo ng asawa nitong si Jocel Peña, 30, kapwa taga-Bgy. Suizo.
Sa ulat ni PO2 Janeth Galutan, Disyembre 18, 2011 nang nagtungo siya sa Malaysia para magtrabaho bilang waitress, at nagpadala ng pera para sa kanilang mga gastusin sa bahay, kasama na ang allowance ng kanilang mga anak, hanggang mabalitaan niyang ipinagbili ng mister ang tricycle nito noong Marso 27, 2014.
Nang umuwis a Pilipinas noong Disyembre 19, 2016 ay natuklasan ng ginang na nilustay umano ng mister ang lahat ng kanyang ipinadala dahil nalulong sa sugal at nambabae. (Leandro Alborote)