BEIRUT, Lebanon (FIBA Asia) – Ipinahayag nitong Biyernes (Sabado sa Manila) ng FIBA Regional Office sa Asya na gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon ang FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon, habang ang FIBA Women’s Asia Cup sa isasagawa sa Bengaluru, India.

Ang pahayag ay bahagi ng napagdesiyunang 2017 calendar of activity sa region.

Ang FIBA Asia Cup 2017, FIBA Asia’s flagship event, ay itinakda sa Agosto 17-27, habang ang FIBA Women’s Asia Cup 2017 ay sa Hulyo 23-29.

“The 2017 FIBA events in Asia mark a new era for basketball competitions in the continent,” sambit ni FIBA Executive Director - Asia, Mr Hagop Khajirian.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“For the first time in history, Australia and New Zealand will compete with Asian teams in all five events that will take place this year. While this adds a new level to the depth of the competitions, we also expect the events themselves to become more attractive to the fans across these two FIBA regions,” aniya.

Kabuuang 16 koponan, kabilang ang Australia at New Zealand, ang maglalaban sa FIBA Asia Cup 2017. Ang mangungunang 14 na koponan sa naturang torneo ay sasamahan ng dalawang koponan na pipiliin ng regional office para isabak sa Division A batay sa bagong competition system ng FIBA.

Sa FIBA Asia Women’s Cup 2017, sasabak ang Australia at New Zealand kontra sa Asian champions Japan, China, Korea, Chinese Taipei, DPR Korea at Philippines sa Division A. Anim na koponan, kabilang ang host India, ang sasabak sa Division B para makakuha ng puntos tungo sa Divion A sa susunod na FIBA Asia Women’s Cup.