CEBU – Makahihinga na nang maluwag ang mga pasahero ng bus sa Cebu matapos na sumang-ayon ang grupo ng mga operator ng bus at mini bus sa lalawigan na huwag munang magtaas ng pasahe sa ngayon.

Sinabi ng mga miyembro ng Cebu Provincial Bus and Mini Bus Operators Cooperative (CPBMBOC) na napagpasyahan nilang panatilihin ang umiiral na P5 singil sa unang limang kilometro ng biyahe ng bus at mini bus, at P1 sa bawat susunod na kilometro.

Ang nasabing pasahe ay mas mababa sa inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na P8.50 para sa unang limang kilometro at P1.45 sa bawat susunod na kilometro.

Napipilitan ang mga bus at mini bus operator sa Cebu na maningil ng mas mababang pasahe dahil sa matinding kumpetisyon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, sinabi ni CPBMBOC Chairman Julieto na mapupuwersa ang mga operator ng bus at mini bus an magtaas ng pasahe kung aabot sa P37 ang kada litro ng diesel—na ngayon ay P34 per liter. (Mars W. Mosqueda, Jr.)