Binigyang-linaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver at operator ng mga public utility jeepney (PUJ) na hindi ipatitigil ng ahensiya ang operasyon ng mga jeep sa kalsada.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya kahapon na nais lang nilang isaayos ang mga PUJ.

“There is no truth that the PUJ modernization program will lead to the cessation of jeepney operations. Rather, the said modernization aims to upgrade the jeepneys and make them a climate-friendly transport service with improved safety concerns that is more convenient to the riding public,” ayon sa LTFRB.

Ito ang naging tugon ng LTFRB sa protesta ng mga transport group laban sa ahensiya kaugnay ng panukalang palitan ang mga lumang jeep na 15 taon pataas, at inoobliga ang mga operator na bumili ng mga bagong unit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Ang Pilipinas, hindi puwedeng mawalan ng jeep. That is part of our identity,” sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada sa panayam ng radyo. (Vanne Elaine P. Terrazola)