NAKARATING na sa Malacañang ang usap-usapan tungkol sa isyu ng ‘LeniLeaks’ na naisapubliko at kumalat sa social media. Sa katunayan, tinitingnan ng presidential circle ang isyung ito na “serious” bagamat pinabulaanan na ito ng kabilang partido at itinuturing lamang na isang uri ng “entertainment” na ikinalat ng political fanatics.

Ang pagpapatalsik sa Presidente sa loob lamang ng anim na buwan sa Malacañang ay hindi biro. Ang dahilan, ang popularidad ng isang lider ay hindi nawawala sa isang tulog, at ang plano na kasing-laki ng pagpapaalis sa posisyon sa inihalal na lider ay gugugol ng mahabang panahon.

Ang umano’y extralegal na sukatan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagresolba sa problema sa droga ng bansa ay nakatawag pansin at naging dahilan upang magalit ang maraming bansa at institusyon sa abroad, na sinasabing nasasagasaan ang human rights. Ngunit hindi ito masasabi sa mga Pilipino na dekada nang biktima ng ilegal na droga at krimen.

Ang kabuuang importansiya nito, pati na rin ang pamamaraan ng pagkabunyag ng ‘LeniLeaks’, ay masasabing pawang gawa-gawa lamang. Mayroong 1,001 dahilan upang masabing hindi makatotohanan ang ‘LeniLeaks’ dahil sa ang pinagmulan ng isyung ito ay kaduda-duda. Hanggang sa mapatunayan, ang mga pahayag ay mananatiling bahagi ng pabula ng Aesop’s stable. Ang sinumang taong nakakaunawa ay naiintindihan na ang pagpaplano ng ganoong kalaking aksiyon ay talagang himay na himay at kumplikado.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang kagustuhang magbintang ng masamang balita sa isang indibiduwal sa isang napakabilis at napakababaw na akusasyon ay isang masamang kultura na laganap sa panahon ngayon. Hindi lang nito nailubog ang pangalan ng ilang tao sa kahihiyan, ang nauusong pag-uugali ring ito ay nakalikha ng pananaw kung paano naaabuso ang online na komunikasyon.

Sa socmed, ang kultura ng Internet ay nagbabago na kasing-bilis ng sunod na komento sa isang online publication. Iyan ay mas mabilis pa sa kidlat, kung tutuusin. At dahil nakapabilis, madalas na ang detalye ay nababago sa pagsasalin-salin. Ang coup ngayon ay maaaring maging giyera bukas – sa paraang ang socmed ay nakikipagtalakayan sa mga isyung hindi naman masyadong pamilyar.

Sa katunayan, ginawa ni Duterte ang kanyang layunin sa unang anim na buwan ng kaniyang panunungkulan. Maaaring ang istilo niya ay kakaiba at kung minsan ay kontrobersiyal, ngunit ang mga resulta sa kanyang kampanya ay... umani ng mas maganda sa inaaasahang resulta.

Ang ‘LeniLeaks’ na nagbababala sa administrasyong Duterte ay isa lamang overstatement.

Kalibo Ati-Atihan 2017

Naging matagumpay ang 2017 Kalibo Ati-Atihan bagamat sinabayan ng masamang panahon. Ang tagumpay ng kakaibang festival sa Pilipinas, na tinaguriang mother of all Philippine festivals, ay maaaring maiugnay sa pamumuno ng Kalibo municipal government, sa pangunguna ni Mayor William Lachica at ng Aklan provincial government sa pamumuno ni Gov. Joeben Miraflores. Siyempre, sa ilalim ng gabay ng Simbahan. Malaking parte rin ang ginampanan ng NGO’s sa preparasyon, lalo na sa pagharap sa mga panauhin. (Johnny Dayang)